Halloween Trick or Treat

Halloween Trick or Treat

Oct 22, 2023 ginanap ang Sining Pandayan Art Workshop DIY Witch Hat sa Halloween Trick or Treat sa LCC Mall Event Center. Nakakatuwang makita ang lahat ng aming participant dahil sa kanilang iba’t ibang outfit na kanilang isinuot na pinaghandaan talaga nila. Noong araw na iyon nagkaroon kami ng Trick or Treat. Malaki ang aming pasasalamat sa aming mga kapwa tenant sa mall dahil sinuportahan nila kami. Nakiisa sila sa Trick or Treat. Sila ay nagbigay rin ng mga candy sa mga batang nakilahok sa ating workshop, takutan at tawanan na talaga naman nag enjoy ang mga batang nakilahok. Mayroon din kaming hinandang palaro at mascot appearance na si Doreamon. Malaking tulong ang ganitong mga workshop activity ng Pandayan Bookshop sa mga bata upang hubugin sila sa kanilang mga talento at makasalamuha sila sa ibang mga batang kanilang nakikilala sa workshop.